You need to log in to create posts and topics.

Dropping shipping daw

Request ni Admin share daw ako about drop shipping. Actually hindi naman ako expert sa field na ito nasa learning process palang, although kumikita narin kahit papaano, dipa naman umaabot ng milyon milyon gaya nong mga sinasabing kita nong mga expert sa field.

Wala talaga sa plano ang pagkapunta ko sa drop shipping. Nong nag decide akong i give up ang SEO services dahil sa stress at baba ng offer ng mga ibang provider nag focus na ako sa adsense at stocks (daily trading). Sa kahahanap ko ng mga niche na pwede kong gawin para sa adsense, sa flippa ako nag reresearch ng mga magagandang topic. Napansin ko ang daming mga drop shipping site na binebenta at mahal ang prices basta may mapakita kanang sale kahit kunti lang. So I decided to try na mag create ng drop shipping site ko, pero ang primary purpose ko ay para ibenta yong site :). Magaling ako doon eh dati site flipping hehe, doon ako nag start. Balik sa topic, nag try akong gumawa ng isang site luckily na tsambahan ko yong niche at kumita ng pa-unti unti yong site hanggang sa nag explore na ako paano mapataas yong kita nya nong tumagal tagal na na eenjoy ko na kasi medyo maganda naman na kita.

Start tayo sa Basic

Ano ba ang drop shipping and how it works?

Para sa mga wala pang idea kung ano ba ang drop shipping, ito ay sistema kung saan mag bebenta ka ng mga tangible products or gagawa ka ng online store pero hindi mo need ng inventory. Ang gagawin mo lang ay magbenta ng magbenta ng mga products na gusto mong ibenta sa online store mo. Kapag may nag order ng product na benebenta mo at nagbayad na ito, saka ka palang oorder sa supplier nong product na binebenta mo. Ipadala mo yong bayad sa supplier tapos yong supplier na bahala mag send ng item or product sa buyer. I guess yon ang pinaka simpleng explanation na maibibigay ko.

Paano mag start?
1. Niche - Ang pagpili ng tamang niche ang isa sa pinaka mahalagang aspeto ng paggagawa ng drop shipping site. Hanggat maari iwasan mong gumawa ng online na related sa Electronics, Clothing, at health related products. Kasi ang mga online buyers may kanya kanyang brand ng tinatangkilik ang mga yan at mayron na silang online store na na earn na ang trust nila. So hindi na maghahanap ng ibang online store ang mga ito. Halimbawa plan mo mag start ng Cellphone Store, mahihirapan kanang maki pag compete sa mga malalaking online store gaya ng lazada, souq, amazon, at iba. Unang una malaki ang budget nila para sa advertising so paano ka makikisabay sa kanila.
Pwede siguro sa clothing kung may specific target ka, like damit para sa mga matataba over size dresses or shoes.

2. Drop Shipping E-commerce Platform - Ang gamit ko is ali dropship, $89 per site ang license lifetime na sya. AliDropship ay para sa mga products na binebenta sa aliexpress na pag aari ng alibaba. Diko pa nasusubukan yong iba like shopify which is sikat na sikat kasi madali daw gamitin, medyo mahal kasi monthly need mong magbayad. Kung dimo type yong mga products sa aliexpress pwede kang mag try sa ibang drop shipping company like shopify, oberlo, doba, dropship direct.
Kung familiar ka sa wordpress, yong alidropship madali lang install kasi wordpress plugin sya.

3. Marketing - Pinaka mabilis na way to promote your store and products is buying ads. Maraming expert sa mga taga SEO org pagdating sa marketing specially adwords and facebook ads, dito pwede nyong i apply yong skill nyo.
Ako naman simple lang ginagawa ko bumibili lang ako ng ads sa facebook kasi mostly sa mga pinipili kong mga niche ay local or may mga malalaking gropu online. Oppsss I spill the beans hehe.

Palagay ko pwede ng start ito para mapag usapan natin ng masmalaliman ang drop shipping for sure may mga tahimik lang dyan pero mas marami silang alam pagdating sa business na ito.

So yung Ali Dropship Ed is connected na sa AliExpress? I mean parang plug and play na siya? Is it a script, or a portal na kailangan mo lang ng domain name?

Oo connected na sa aliexpress mamimili ka nalang kung anong products gusto mong ibenta sa store mo... Wordpress plugin sya kaya kung familiar ka sa wordpress hindi sya mahirap install at gamitin.

boss matanong ko lang, so one time payment lang talaga yung 89 USD? if you don't mind me asking, saan ang target market mo? Pinas or US or somewhere else?

Yes sir good for one domain yong license lifetime na sya... Usually local sir pero minsan nag hahanap din ako ng place na may maraming pinoy like UAE, Saudi, Taiwan, and US. Tapos nag hahanap ako ng mga niche na sa palagay ko gusto ng mga pinoy pero hindi naman pinoy lang target. Basta may magandang group sa fb doon talaga ako nag bebase mga active groups

Ed, how do you deal with deliveries na may sira? Dito kasi sa NZ problema ko may Consumer Guarantees Act, as in pagbili mo, then hindi mo pala talaga trip, you can easily return it (as long as intact yung product). Yan ang hurdle ko kaya hindi ko masimulan ang dropshipping na yan

Isang mababaw na tanong lang po. Yong mga E-Commerce platform tulad ng ALI Dropship ay automatic nag dagdag ng mga prices pagdisplay mo sa storesite mo? (wala talaga ako alam sa ecommerce platform but i am interested)